FILIPINO LOVE POEMS

NANG DAHIL SA’YO ni Eureka C. Bianzon

Nang dahil sa’yo nakalikha ako ng kanta
Kahit sintunado nadarama kong mahal na mahal kita
Nang dahil sa’yo nag iba ang tema ng aking tula
Nabigyang buhay ito sa pagmamahal mong ipinadarama

Nang dahil sa’yo napunan ng ngiti ang malungkot kong mundo
Napalitan ng ngiti ang bawat patak ng luha ko
Nang dahil sa’yo natuto akong maniwala sa sarili ko
Sapagkat alam kong ikaw ay nariyan upang damayan ako

Nang dahil sa’yo alam ko kaya ko ang bawat pagsubok
Magkalayo man naniniwala ako na ika’y naghihintay na makasama ako
Nang dahil sa’yo natutunan kong magpahalaga sa bawat minuto
Sapagkat sa bawat oras na ika’y nais makapiling
Hindi ko magawa dahil sa magkalayo nating mundo

Nang dahil sa’yo natutunan kong magtiwala
Sapagkat bawat oras ipinadama mo sa akin na ako’y mahalaga
Nang dahil sa’yo napunan ako ng walang humpay na pagmamahal
Sapagkat ikaw ang biyaya sa aking buhay ng ating Maykapal
-mypenandsoul

Advertisements
Categories: FILIPINO LOVE POEMS, Poems, TAGALOG LOVE POEMS | Tags: , , | 3 Comments

Panginoon Maraming Salamat

Aking kaarawan ay nabalot ng kasiyahan
Sa halo halong emosyong aking naramdaman
Hindi ko inakala na ako ay gagantimpalaan
Ng buhay na mas higit pa sa aking
  inasahan

Mga taong nagmahal sa akin ng
walang humpay
Bukal sa kalooban ang maibahagi
ang pagmamahal na taglay
Sa kanila ko lubos na naisapuso
Na ang kasiyahan ay hindi kailan man mabibili ng pera
At ang tanging kaligayahan ay unang unang magmumula sa Amang may likha

Panginoon maraming salamat sa mga
Nangyari sa aking buhay
Ibinahagi po Ninyo ang bawat aral nitong
Taglay
Sa panibagong yugto ng aking buhay
Nawa’y makasama ko padin ang Inyong
Tanging gabay

Categories: FILIPINO LOVE POEMS, Poems, TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS, WORSHIP POEMS | Leave a comment

“Isa kang pangarap na natupad sa bawat umaga” ni Eureka C.Bianzon

Kaysaya ng bawat araw sa tuwing ikaw ang kausap
Magkalayo man tayo ikaw parin ang tanging hinahanap
Bawat araw sa akin ay natupad na pangarap
Sa tuwing tayo’y nagkikita at magkaharap

Malayo ka man sakin hindi ito
Hadlang
Upang  pag ibig ko para sayo ay mabigyang patlang
Labis na kasiyahan sa aki’y iyong isina alang alang
Sa puso ko sayo’y walang makakahahadlang

Ikaw ay ang aking ngiti sa bawat umaga
Sa tuwing ako’y gigising na nariyan ka
Tinig mo’y nakakahalina kaysarap sa tenga
Isa kang pangarap na natupad sa bawat umaga

Categories: FILIPINO LOVE POEMS, LOVE POEMS, Poems, TAGALOG LOVE POEMS | Leave a comment

“Pag aaralan ko” ni Eureka C.Bianzon

Pag aaralan kong isiping ika’y wala na
Pag aaralan kong tanggapin na ika’y wala sa piling ko
Pagaaralan kong kalimutan lahat
Kahit ito’y napakasakit sa puso ko

Pag aaralan kong isiping ako’y kinalimutan mo na
Pag aaralan kong tanggapin na
Hindi mo ko mahal
Pag aaralan kong kayanin ang sakit
Na nadarama
Kahit ang puso ko’y lugmok na sa pagdurusa

Pag aaralan kong kalimutan ka
Pag aaralan kong tanggapin na hindi ko na maririnig ang iyong tinig
Pag aaralan kong tanggapin lahat
Kahit na kapalit nito’y pagkawasak nitong diddib

Categories: FILIPINO LOVE POEMS, Poems, TAGALOG LOVE POEMS | Tags: , | Leave a comment

“Ako’y hindi mabubuhay ng wala sa piling mo” ni Eureka C. Bianzon

Isang gabi ng aking paguwi ika’y hindi ko na nakita

Pumatak  na lamang ng kusa ang luha sa’king mga mata

Akala ko’y hindi mo totohanin ang iyong paglisan

Ngunit huli na pala ikaw ngayon ay hindi ko na masilayan

Patawarin mo ako sa aking mga pagkakamali

Hindi ko nais na ikaw ay saktan at masidhi

Mahal kita,sana’y malaman mo aking pagsisisi

Sana ikaw ay magbalik pa saking muli

Nais kong malaman mo na ikaw lang

Ang aking minahal ng lubusan

Kung ako’y may pagkukulang patawarin mo ko

Ako’y hindi mabubuhay ng wala sa piling mo

Categories: FILIPINO LOVE POEMS, Poems, SORROW, TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS | Leave a comment

“Pinutol na ugnayan” ni Eureka C.Bianzon

Aking natatanto habang tumatagal
Damdamin ko’y pawang nagbabago
Hindi maipaliwanag  tila nauutal
Pag ibig na naradama tila naglalaho

Sa bawat paglipas ng araw
Pawang takip silim kung daratal
Sumisilip na dilim nawawalang silaw
Sinasambit ng puso nauupos na pagmamahal

Labis na hapyos ng kasiyahan
Nang aking puso’y nakaramdam ng katahimikan
Nang makalaya ang damdamin sa karimlan
Dulot nitong pinutol na ugnayan

Categories: FILIPINO LOVE POEMS, Poems, TAGALOG LOVE POEMS | Leave a comment

“Sana sa habang buhay ay ikaw ay palaging mahagkan” ni Eureka C. Bianzon

Madami na tayong pinagdaanan,

 Sa mga  pagsubok  na nagdaan

Lumalalim ating pagmamahalan

Habang tumatagal ng ‘di namamalayan

Nagawa na nating maghiwalay

Tiniis ang bawat puso sa pagkalumbay

Ngunit sa bawat isa’y hindi kayang mawalay

Nanaig padin ang pagamamahalang tunay

Wagas na pagmamahalan ating nararamdaman

Dumating mga unos na nagdulot ng sakit ng puso’t isipan

Ngunit hindi padin makayang pagmamahalan ay kalimutan

Bagkus lumalim ang pagtingin sa bawat isa  ng lubusan

Darating man ang mga hindi namamalayang sandali

Nawa’y tayo ay maging matatag at sa bawat isa’y manatili

Labis kong ikalulungkot ang sa iyo’y mawalay

Sapagkat ikaw lang ang minahal ko ng wagas at tunay

Ayaw ko isipin na darating ang araw na tayo ay ala ala nalang

Sa bawat isa at mananatili nalang sa puso’t isipan

Hanggat maaari nais kong sa habang buhay ikaw ay masilayan

Makausap mayakap

at sana sa habang buhay  ay ikaw ay  palaging mahagkan

Categories: FILIPINO LOVE POEMS, LOVE POEMS, TAGALOG LOVE POEMS | Leave a comment

“Magbabalik pa kaya ang bawat minsan” ni Eureka C.Bianzon

Ngayong gabi nakahimlay ng payapa sa aking higaan
Sumasagi ating masasayang
sandali sa’king isipan
Lalo na nung ikaw ay aking
unang nasilayan
Mga mata mo ay hindi ko maiwasang titigan

Ako’y nanghihinayang sa bawat
Sandali
Kasiyahan at sigla ay idinulot mo
Sakin
Aking lumuluhang mga mata
Napapalitan ng ngiti
Ika’y anghel  sa bawat araw kong
Naninimdim

Bilis ng kaba sa’king dibdib
aking naramdaman
Nung unang beses mo akong
Sulyapan at titigan
Kaysarap alalahanin ng  bawat minsan
Ngunit kaylungkot ito’y pawang
Ala ala na lamang…

Magbabalik pa kaya ang dati
nating turingan
Walang hiyaan walang pag aalangan
Magbabalik pa kaya ang bawat minsan
At ika’y mananatili na sa’king mundo at hindi na lilisan

●●●a requested poem@●●●

Categories: FILIPINO LOVE POEMS, LOVE POEMS, Poems, TAGALOG LOVE POEMS | 2 Comments

‘Sa puso ko sa ati’y walang makahahadlang” ni Eureka C.Bianzon

Nakakawala ng lumbay ang nakakahalina mong tinig

Isang tawag lang mula sa’yo sadyang kaysaya ng aking dibdib

Ano ba itong nadarama,ako’y sobrang saya sa tuwing kausap ka

Araw ko’y kay sigla,mundo ko’y ibang iba

 

Alam kong nababasa mo itong aking tula

Nais kong sabihin sa’yo na mahal na mahal kita

Sa puso ko ika’y iisa

Walang katulad walang  makakagaya

 

Ngiti ang iyong iniiwan sa’king mga labi

Sa tuwing matatapos na ang ating usapan

Masayang  ituloy bawat mga sandali

Sa puso ko sa’tiy walang makahahadlang

Categories: FILIPINO LOVE POEMS, LOVE POEMS, Poems, TAGALOG LOVE POEMS | Leave a comment

Mahal kita,Mahal na mahal ni Eureka C.Bianzon

Paumanhin kung ika’y nasasaktan ko

Sa mga bagay na may batid ng nakaraan sa buhay ko

Mga sinasabi ko sayo lahat ay totoo

Wala akong ibang minahal kundi

Ikaw lang ng ganito

Sa ‘king hindi paglapit hindi ibig sabihin ay di kita nais sundin

Ako’y nasaktan din ng makita kong

Nasaktan ang iyong damdamin

Aking mga nakaraan ay pawang nakaraan na lamang

Na hindi ko na batid na muli pang balik balikan

Paumanhin, ito ay taos sa puso ko

Nawa’y pangyayaring yon ay hindi maging dulot upang ikaw ay magbago

Mahal kita,mahal na mahal

Ikaw lang ang minahal ko ng ganito katagal

Categories: FILIPINO LOVE POEMS, Poems, TAGALOG LOVE POEMS | Leave a comment

Create a free website or blog at WordPress.com.

Dewsadventures

My name is Dew, I'm not lost, I like to Roam, Tell me to go home

ultimatemindsettoday

A great WordPress.com site

Black and Write

Poetry With A Touch Of Panache

Dimitris Melicertes

I don't write, I touch without touching.

joeseeberblog

This WordPress.com site is the cat’s pajamas

Bri Bruce Productions

Design | Publishing | Photography | Art

ultimatemindsettoday

A great WordPress.com site

AllAboutGemmy

Beautiful smiles for life.

Pixelated Mind

Inside the mind of a working photographer

Beauty Through His Lens

Behind His Camera