TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS

May panahon pa upang sila ay mahagkan ni Eureka C. Bianzon

Isinilang ka ng puno ng kagalakan

Ngiti sa labi ng iyong mga magulang ay nahagkan

Ikaw noon ay mumunting anghel na nakakahalinang pagmasdan

Kinasasabikang hawakan na halos ay ayaw nang bitiwan

 

Unti unti ikaw ay lumalaki na

Sinimulan mo na din gumuhit kahit na ang magbasa

Aral mula sa iyong mga magulang ay iyong nabibihasa

Ikaw ay nagging magalang at masunuring bata

 

Dumating ang panahon ikaw ay nakatuntong na sa

Mataas na paaralan

Unti unti mo nang nakikilala ang iba’t ibang

Ugali ng iyong mga kaibigan

Naramdaman mo na ding humanga sa iisang

Nilalang

Na hindi mo inasahan na mamahalin mo din

Gaya ng iyong mga kapatid at mga magulang

 

 

Ngayon ikaw na ay nakapagtapos at maayos na

Ang kinalalagyan

Abala na sa trabaho at nag ibang bayan

Hindi mo na mabalikan mga gawaing gustong gusto

Mong balikan

Sapagka’t iyong dahilan ikaw ay wala ng panahon

Upang mga ito’y gawin pa kinabukasan

 

 

Hindi mo naramdaman na bawat oras ay tumatakbo

Tuloy tuloy ang pagtanda ng mga magulang mo

Ngilid sa iyong kaalaman pag aaruga nila

Ay nananatili para sa’yo

Sa bawat araw at gabing ika’y iniisip at nasusulyapan

na lamang sa mga larawan mo

 

 

Ikaw ay babalik na sa lupang nakagisnan

Upang dalawin ang iyong mga kapatid at mga magulang

Ikaw ay asensado na halos mga nakagawiang bagay

Ay nalimutan

Ngunit iyong mga ala ala ay patuloy padin ibinabahagi

Sa iyo ng iyong mga naiwang mga magulang

 

Naramdaman mo ba ang pagpapabago mula sa kanilang

Pagmamahal

O dumagdag pa ito sa pagkasabik nila sa iyo ng

Pagkatagal tagal

Mga magulang ay hindi nakalilimot kailanpaman

Patuloy ka pa din ipagmamalaki at sasambiting

Paulit ulit ang iyong pangalan

 

 

Pangalan na kanilang naisip noon iyong kapanganakan

Pangalan ng kanilang minamahal kahit madalang

Na lamang na pagmasdan

Kung iyong nararamdaman ang tulang ito

May panahon pa upang sila ay mahagkan

Gaya nila na patuloy na  nagmamahal sa iyo sa

Mga panahong ikaw ay masaya at pansamantalang

Sila ay nalimutan 

 

Advertisements
Categories: Poems, TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS, TULA PARA SA MGA MAGULANG | Tags: | Leave a comment

“Bote’t dyaryo”ni Eureka C.Bianzon

Katawang hapo nakalapat sa papag na kawayan
Ipapahinga na ang katawang sa maghapong sa init ng araw ay nakipagsabayan
Kumita na at naiuwi ang ilang singko kahit kakampot lamang
Mahalaga’y may pambili ng pagkain upang tiyan ay mabigyang laman hanggang kinabukasan

Sa pagtilaok ng manok dama padin ang hapong katawan
Tila ayaw pang bumangon pinipilit ang mga mata’y buksan
Mag iinit ng tubig gamit ang panggatong na kawayan
At magtitimpla ng kape upang tiyan ay mainitan man lang

Handa na naman sa isang araw na pakikibaka
Tulak ang karitong bote’t dyaryo
ang dala dala
Sa  iilang boteng nakokolekta siya ay tila masaya na
Sapagkat ito’y katumbas ng bawat singko na ihahain sa hapag para sa kanyang pamilya

Makaraos sa maghapon ang tanging minimithi
Mabigyang laman ang tiyan kahit man lang bigas ay may pambili
Sa pakikibaka sa araw araw siya’y hindi tumitigil
Dala ang bote’t dyaryo na sa kanyang buhay ay malaki ang silbi

Categories: Poems, TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS | Leave a comment

Walang Imposible sa mundo ni Eureka C.Bianzon

Isang parangal ng apresasyon
Ang naghatid saya sa aking puso ng gabing iyon
Maliban sa mga kababayan na nagbigay ng inspirasyon
Patungkol sa kanilang buhay upang makaahon

Ni minsan sa aking buhay hindi ko inakala na magiging malalim pa
Ang dedikasyon ko sa pamamahagi ng tula
Kaysarap lamang isipin na ang aking bawat katha ay marami na
Ang nakakabasa

Noong ako’y unang sumulat mahalaga na ang makapagbasa ang aking ina
Na aking napapasaya sa tuwing ginagawan ko siya ng tula

Subalit ganoon pala ang pakiramdam
Kapag buong buhay mo ay inialay mo sa may lumikha
Tangi mo lamang gagawin ay sundin ang nasa puso at simulang
isulat ang mga ibabahagi Niya

Inspirasyon sa bawat tao
Inspirasyon sa mga pangyayari sa buhay ko
Na ni minsan ay hindi ko kinalimutan
Sapagkat dito naibabahagi ang bawat aral  sa mundo

Mananatili pa rin akong manunulat ninyo
Maiwan ko man ang bansang sadyang nagbago sa buhay ko
Dito marami akong natutunan nakilala ang bawat isa sa inyo
Gayunman lahat ay aking ipinasasalamat
Sapagkat dito ko lalong nalaman na walang imposible sa mundo

Categories: Poems, TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS | Leave a comment

“Araw at gabi sa kanya’y iisa” ni Eureka C.Bianzon

Mga matang nakapikit
Tinatahak ang tanging himlayan
Kinakapa ang bawat muwebles
Na gumagabay sa kanyang dinaraanan

Araw at gabi sa kanya’y iisa
Na tanging hapong katawan lamang
Ang makadarama
Na ang buong araw ay tapos na
At kailangang ipahinga

Sa paglalakbay sa daraanang hindi nakikita
Siya lamang ang makapagsasabing
Mapalad ka
Sapagkat bawat bagay sa mundo’y
Nasisilayan ng iyong mga mata

Iyong napagmamasdan at natatahak
ang bawat daraanan ng hindi naaalintala
Bawat pangyayari sa mundo ay saksi ng iyong mga mata
Hindi tulad nya na imahinasyon lamang at kadalasan ay hirap pa

Kung sa iyong paningin bawat bagay ay may kamalian
Gisingin ang sarili buksan ang biyayang ipinagkaloob noong iyong kapanganakan
Bulag na hindi dumaraing nakikita
Ang mundo na puno ng kagandahan
Sapagka’t tanging puso lamang ang ginagamit hindi ang isipang nagsasambit ng kapintasan
-mypenandsoul

Categories: Poems, TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS | 2 Comments

Salamat sa mga ina ni Eureka.C.Bianzon

Galak ang hatid ng  bawat araw na daratal
Mga pagbati sa mga inang minamahal
Gaya ng agos ng tubig sadyang walang
Patid
Patuloy ang pagpupugay ng mga supling na may-ibig

Kung tatantuhin lamang ng pusong masigasig
Pag aarugang ginampanan ng ina
Na walang ligalig
Buong buhay ay inilaan ng walang halong pagdaing
Upang matupad ng supling ang
bawat mithiin

Salamat sa mga ina, na syang tanging ilaw ng tahanan
Tungkuling ginagampan sadyang kayhirap pantayan
Siyang tanging susi sa bawat pusong may yaman
Ng disiplina,pananalig, na tanging ina lamang ang mapakapaglalaan

Categories: A MOTHER'S POEM, POEM FOR MOM, Poems, TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS | Leave a comment

Panginoon Maraming Salamat

Aking kaarawan ay nabalot ng kasiyahan
Sa halo halong emosyong aking naramdaman
Hindi ko inakala na ako ay gagantimpalaan
Ng buhay na mas higit pa sa aking
  inasahan

Mga taong nagmahal sa akin ng
walang humpay
Bukal sa kalooban ang maibahagi
ang pagmamahal na taglay
Sa kanila ko lubos na naisapuso
Na ang kasiyahan ay hindi kailan man mabibili ng pera
At ang tanging kaligayahan ay unang unang magmumula sa Amang may likha

Panginoon maraming salamat sa mga
Nangyari sa aking buhay
Ibinahagi po Ninyo ang bawat aral nitong
Taglay
Sa panibagong yugto ng aking buhay
Nawa’y makasama ko padin ang Inyong
Tanging gabay

Categories: FILIPINO LOVE POEMS, Poems, TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS, WORSHIP POEMS | Leave a comment

MH370

MH370

Isang sasakyan panghimpapawid pilit na hinahanap sa dagat,lupa at langit
Ilang araw inaabangan kung saan napadpad ngunit kalungkutan na lamang ang syang namumutawit

Bawat ala ala ng mga nakasakay hatid ay hinagpis
Sa mga minamahal sa buhay na naiwan sa paghihintay sadyang nagtitiis

Luha hiyaw galit, pagsisisi ang mula sa puso’y binabanggit
Ang ilan ay napag iwanan ng masayang ala ala kaya’t puso’y nagtatangis

Ang paglalakbay sa bawat hangarin Ang kanilang layunin
Ang masalubong ang mahal sa buhay at ang bukas na sa kanila ay darating

Isang ama na nag-iwan ng sing sing at relo
Sa kanyang asawa upang sa kanyang mga anak ay iregalo
Anak na nagnais na ang ina ay madalaw
Ngunit ala ala na lamang ang sa kanya’y matatanaw

Dito sa mundong ibabaw bawat buhay  walang kasiguraduhan
Lahat ay babawiin ng langit lahat may hangganan
Hindi natin alam kung ano ang ihahatid ng bawat bukas
Hindi natin masasabi  kung kailan ang buhay ay magwawakas

Lungkot ang tanging sa puso ko’y nananatili
Panalangin nawa’y may pag asa pa
at ang bawat isa ay manumbalik
Ngunit kung sadyang ito ‘y itinadhana na at hindi na makikitang muli
Tanging aral na lamang ang maihahatid
Iparamdam habang may pagkakataon pa ang pagmamahal ng labis
-by mypenandsoul

Categories: TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS | Leave a comment

“Lapis at papel”ni Eureka C.Bianzon

“Lapis at papel”
(Sa ating buhay tayo ang gumuguhit ng ating kapalaran)

Isang blangkong papel ang nasa aking harapan
Patuloy na hinahawakan at pinagmamasdan
Isang kataga ang bumuo na lamang sa aking isipan
“Sa ating buhay tayo ang gumuguhit ng ating kapalaran”

Tulad na lamang ng blangkong papel na ito
Walang buhay kung ating matatanto
Sapagkat walang magandang larawan ang nakaguhit dito
Na nakakaiigayang pagmasdan kesa sa papel na blangko

Marahil sa una ang papel na ito ay hindi papansinin
Kung hindi babasahin ang mensahe na aking sasabihin
Blangkong papel na walang buhay kung
Tatantuhin
Ngunit may mensahe pala na nais iparating

Gabay mula sa Panginoon ating hiling
Sa mga bagay na ating nais na tapusin
Gayundin sa ating mga pangarap at mithiin
Subalit pangarap ay matutupad kung ito’y sasamahan ng gawa sa bawat adhikain

Ang papel kapag blangko ay walang buhay
Kagaya din sa buhay na lugmok sa pagkalumbay
Tayo ang guguhit sa ating kapalaran upang
Mabigyang saysay
Punan ang adhikain mula sa gawa kasama
Ang Diyos na ating gabay

Katulad ng umiiksing lapis na gamit sa pagguhit
Tao din ay nauupos at kalaunan ay
Ay susunduin ng langit
Kagaya ng lapis unti unti man itong
Lumiliit
Wagas ang maiiwan nito sa dami nitong naiguhit

Sa buhay natin tayo ang lapis
At ang buhay ay ang papel na ating
guguhitan at kukulayan
Tayo man ay umiyak sa bawat hinagpis
Tayo ay natuto at nakapagbigay aral sa ating
natunghayan

Sa ating pagguhit hindi maiiwasan na tayo ay magkamali
Atin man itong burahin ngunit ang bakas ay sadyang mananatili
Kung ito ay papatungan ng tama ay hindi na makikitang muli
Ngunit ang aral sa papel ng buhay ay hindi kailan man maikukubli

Subalit kung ating gagamitin ang ating buhay
At hindi manghinayang na ibahagi
Ang inspirasyon nitong taglay
Umiksi man ang lapis ito ay mag iiwan
Ng isang papel na puno ng kahulugan
http://www.mypenandsoul.wordpress.com

.

image

Categories: Poems, TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS | 2 Comments

“Buhay na Hiram” ni Eureka C.Bianzon

Kung ang mga bagay na hiram ay ating iniingatan
Ganun din ang buhay na pansamantalang hiram lamang
Ito’y babawiin at ating isasauli
sa kalaunan
Ngunit paano kung ito ay puno ng
  gasgas at problemang hindi masolusyunan

Buhay na hiram ay pinanatiling
matibay
At tayo ang syang mag iingat sa
Hiyas nitong taglay
Unos dumarating gayundin ang pagsubok na walang humpay
Ngunit sa kabila ng ito buhay ay
Iingatan para sa kabilang buhay

May pag-asa pa para lunasan ang
Mga gasgas na tinamasa
May panahon pa para itama ang
Mga maling nagawa
Ito ay ngayon hindi bukas o sa makalawa
Sapagkat hindi natin alam kung
Ang buhay na hiram ay babawiin na

-mypenandsoul

Categories: Poems, TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS | Leave a comment

“Para sa Naaapi at Nang-aapi” ni Eureka C. Bianzon

Taong nananahimik sa kinasasadlakan
Hinahayaan lamang na pagkatao ay
Hamakin at yurakan
Sapagka’t sa sarili ang turing ay mangmang
Walang karununga’t iba ay hindi
Mapapantayan
 
Yaong mga mayabang na akala mo
Kung sino
Kung umasta ay mas malaki
Pa sa bola ang ulo
Animo’y walang kahinaa’t patuloy
Ang paghamak sa kapwa tao
Hindi lamang nalalaman na
May mga matang nakatitig dito
 
Sa mundong ibabaw walang mangaapi
kung walang paaapi
Ikaw ay nilikha ng may kalayaan
Mula sa iyong mithiin at mga labi
Kung patuloy mo silang papayagan
Na ikaw ay yurakan
Ito’y patuloy pang gagawin
Sa iba pang matatagpuan
 
At para sa taong kung umasta
Ay walang kaubusan ang yaman
Hindi yan madadala sa huling
Hantungan
Lahat tayo ay pantay pantay
At ang huling paghatol ay sa kabilang
buhay
 

Categories: Inspirational, Poems, TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS | Tags: , | 1 Comment

Blog at WordPress.com.

Dewsadventures

My name is Dew, I'm not lost, I like to Roam, Tell me to go home

ultimatemindsettoday

A great WordPress.com site

Black and Write

Poetry With A Touch Of Panache

Dimitris Melicertes

I don't write, I touch without touching.

joeseeberblog

This WordPress.com site is the cat’s pajamas

Bri Bruce Productions

Design | Publishing | Photography | Art

ultimatemindsettoday

A great WordPress.com site

AllAboutGemmy

Beautiful smiles for life.

Pixelated Mind

Inside the mind of a working photographer

Beauty Through His Lens

Behind His Camera