TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS

“Inang puno ng pagmamahal” ni Eureka C.Bianzon

Hindi alintala nang magdusa’t maghinagpis
Sapagka’t pag ibig ay wagas sa anak na piling
Hinahandugan ng buong pagmamahal ng labis
Matanaw lamang ang labing may saya ang syang
Tanging hiling
 
Inang puno ng pagmamahal na tila may batis sa
Dibdib
Patuloy ang pag –agos hindi naaalintala
Waring dugong puno ng pag ibig
Hanggang may hininga’y hindi mapapatid
 
Nais lamang na ibuhos ay yaring lubos na
Kaginhawaan
Sa natatanging anak puso’y hindi magawang
Magdamdam
Tanging pangarap ay matiwasay na kasasadlakan
Sa pag ihip ng panahon ang anak ay may
Itagong labis na yaman
Mypenandsoul.wordpress.com © 2014 All rights reserved
http://eurekabianzon.webnode.com
 
 

Advertisements
Categories: A MOTHER'S POEM, GRANDFATHER'S POEM, POEM FOR MOM, Poems, TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS | Leave a comment

” Ikaw ay labis na kayamanan ng iyong ama’t ina” ni Eureka C.Bianzon

Ikaw ay anak na nililok sa kagandahang asal
Hindi mapaparisan o mapapantayan
Ng anumang parangal
Saan man mapadpad  ikaw ay kayamanan
Ng mga magulang na  sa iyo’y nag –aruga
Sa puspos na kabutihan
 
Puso ng iyong mga magulang sayo ay
Nagreplika
Sa pagkatao mong hinubog sa piling
Nila
Ikaw ay labis na kayamanan
Ng Iyong mapagmahal na ama’t ina
Walang tanging ngilid kundi
Ang mapabuti ka
 
Sa iyong paglipad dala ng kabutihang dulo’t nila
 Nawa’y hindi mapatid kahit ika’y wala
Sa piling nila
Ito ay kanilang tanging hiling sapagka’t sa mundo
Kanilang panahon kaunti nalang ang natitira
Kabutihan Iyong pagyamanin sa iyong
Magiging supling at iyong buhay
Ay ikumpara

Categories: TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS, TULA PARA SA MGA MAGULANG | Tags: , , | Leave a comment

“Pagmamahal ng mapagmahal na ina” ni Eureka C.Bianzon

Noong ako ay maysakit sya ay hindi nakatulog
Mga mata nya’y nakatuon sa akin hanggang ako
Ay makatulog
Siya’y balisa,kung anong gamot ang sa akin ay
Itinugon
Kung maaari aking sakit ay kanyang angkinin
Kung iyon ang magiging solusyon
 
Kanyang ngiti ay iaalay at sasabihing
“Anak ikaw din ay gagaling”
Ako ay nandirito hindi ka iiwan
Kaya’t matulog ka ng mahimbing”
 
Pagmamahal ng mapagmahal na ina
Ang syang pumukaw sa akin
Na ako kailan man ay hindi mag iisa
Sapagkat siya’y mananatili palagi sa
Aking piling
 

Categories: A MOTHER'S POEM, POEM FOR MOM, TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS | Leave a comment

“Magsasaka” ni Eureka C. Bianzon

Pananatili sa ilalim na sikat ng araw
Kasama ng tanimin at kanyang kalabaw
Kahit abutin pa ng ulan at langit na mapanglaw
Magsasaka ay nagbubungkal padin sa
lupang ibabaw
 
Binhing itinatanim tulad ng inspirasyon
Sa’ting mga isipan
Magsasaka ay hindi napapagod sa
Pagpaulan ng butil ng kabutihan
Mula sa tyaga sa kalaunan ay ating kakainin
Tulad ng aral ng pagsusumikap na ibinahagi sa atin

Categories: Poems, TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS | Tags: , | Leave a comment

“Ina bakit mo ako muling iniwan” ni Eureka C.Bianzon

Dalamhati sa kanyang mga mata’y nasilayan
Sa huling araw na inihatid namin  ang kanyang ina
Sa hantungan
Kanyang mga mata’y hindi tumigil sa pagluha
Sa pagsisisi na kanyang pagmamahal
 ni minsan sa kanyang ina ay hindi ipinadama
 
Sya’y aking nakausap ilang araw bago pumanaw
Ang kanyang ina
Sa kanya ako’y nakinig upang malaman ang kanyang
Nadarama
Dahilan kung bakit ni minsan hindi magulang
Ang tingin sa kanyang ina
Pawang pagsisisi sa kanyang ina ang kanyang
Nabitiwang salita
 
Sya’y naliwanagan sa lahat ng dahilan sa bawat bagay
kung bakit kanyang ina’y matagal na hindi nagpakita
Sa kanya
Ito’y nag ibang bansa upang ang lahat sa kanya ay maibigay
Makapag aral sa  maayos na paaralan at makapagtapos sya
 
Itinagong lihim ang sakit na matagal na nitong nadarama
Sa sakit ay tuluyang nanghina at katawan ay bumagsak bigla
Sa kanyang anak siya ay hindi nagpakita
Sapagkat ayaw nya itong maabala sa dinaranas nya
 
Maraming taon hindi na sya nakapagpadala
Hindi na nya maibigay ang karangyaan sa kanyang
Anak na noon ay naibibigay nya
Pawang pag sisisi pag iisip ng hindi maganda
Sa ina ang bumalot sa isip nya
Hanggang malaman Nya na ito’y may sakit
Na palang dinadala
 
Lumipas ang mga taon sya ay nakapagtapos na
Kanyang ina ay humingi ng oras mula sa kanya
Ngunit pag aaruga sa kanyang inang maysakit
Ay Ipinagkait nya
Ni dalawin ito ay hindi nya nagawa
 
Ngunit nadurog ang aking puso ng  Makita syang
Lumuluha
Sumisigaw ina bakit mo ako muling iniwan
Kanyang mga pagsusumamo hindi na madidinig pa
Nang kanyang inang pumanaw na walang
Ibang sinambit kundi ang kanyang pangalan
 
Ang pagmamahal ay nasa puso padin
Kahit na gaano pa kainin ng hinanakit ang puso natin
Sadyang ito ay madarama
Kapag ang taong nagmahal sa’yo ay tuluyan ng
hindi na makikita pa
 
Ito ay tula na aking isinulat mula sa tunay na buhay…ako’y naging pansamantalang anak sa isang ina na pinagkaitan ng pagmamahal ng nag iisang anak…Saksi ko bawat kasiyahan ng ina nito kung paano nya ikwento sa’kin ang kanyang anak,siya ay sobrang nagagalak na bago man sya pumanaw ay nakatapos na ito…ramdam ko ang kanyang kalungkutan ngunit gayunman alam ko na napatawad na nya ang kanyang anak sa mga salitang binitiwan nito… Ang mga magulang ay mapagpatawad,kailanman hindi naging mapanghusga,kailanman hindi nagbilang ng kahit na kusing sa mga ibinibigay sa atin,kaya patuloy natin silang mahalin,alagaan at bigyang pansin,sapagkat ang bawat sandali ay hiram lang.

Categories: A MOTHER'S POEM, POEM FOR MOM, Poems, TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS | Leave a comment

“Ikaw ay kasama nadin sa kwento ko hindi lang sya” ni Eureka C. Bianzon 

Heto na naman at nakaupo
Sa harap ng aking papel nakayuko
Sinusunod ang nasa isipan ko
Habang ang aking panulat ay tumatakbo
 
Walang magawa sa tahimik na kapaligiran
Kundi ang ikulit and mga titik sa aking paham
Sadya talagang ako ay kakaiba lang
Isipan patuloy ang pagtakbo kahit na pigilan
 
Unti unti ng nabubuo bawat talata sa aking
Kwaderno
At ngayon may lumapit na dito sa aking trabaho
Sinusulyapan kung ano nga ba ang isinusulat ko
Sabay ngiti nya,dahil kasama na sya sa kwento ko
 
O sya mamaya naman itutuloy kita
Ako ay may gagawin paalam na muna
Salamat din sa iyong pagbasa
Ikaw ay kasama nadin sa kwento ko hindi lang sya

Categories: Poems, TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS | Leave a comment

“Aking Ama Dakila Ka” ni Eureka C.Bianzon

Aking ama salamat sa iyo
Sa bawat aral ng buhay na ibinahagi mo
Bagamat sa mata ng iba ikaw ay hindi perpekto
Para sa akin dakila ka,dahil ako’y nandirito ng dahil sa’yo

Naging mistulang tagabantay man kita noon
Sa mga manliligaw ay palaging tumututol
Aking tagahatid kung saan man ako paroroon
Tila buntot na saki’y habol ng habol

Ngunit sadyang napakapalad ko lang talaga
Na sa lahat ay ikaw ang aking naging ama
Sa pag aruga sa pagkalinga mo talagang sobra sobra
Hindi ka man nakapagtapos,ama dakila ka

Aral sa iyong buhay ay sadyang napakalupit
Gaya ng sabi mo mga ito’y ayaw mo sa ami’y masapit
Iyong prinsipyo ay dakila kahit ikaw man ay nagigipit
Iyong pangaral na sa patalim kami’y huwag kakapit

Aking ama isa kang dakila
Nasaan man ako aking lakas sa’yo ko nakukuha
Tama ka sa lahat ng pangaral na iyong ipinamulat
Sa mata ng Diyos, sa mundo’y walang salat

Categories: GRANDFATHER'S POEM, POEM FOR A FATHER, Poems, TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS | 2 Comments

“Aking Ina Salamat sa Iyo” ni Eureka C. Bianzon

Hindi ko malilimutan mga pangaral na nagmula sa iyo

Dahil sa Iyo Ina nakamtam ko ang tagumpay na ninais ko

Simula pa noon ramdam ko na ako’y iyong mahal

Sa iyong sinapupunan palang

ako’y iningatan mo ng pagkatagal tagal

Walang katumbas na halaga ang pagarugang iyong

ginawa

Kahit paulit ulit kong ika’y pasalamatan ito’y hindi sapat

sa iginawad mong pagkalinga

Dakila ka aking Ina, isa kang huwaran

Iyong labis na pagmamahal ay siyang aking nais

Tularan

Nakagawa man ako ng mali,ito’y balewala sa’yo

Landas ko padin ay iyong itinuwid sa pagkalinga mo

Paano ko ba masusuklian bawat segundo sa bawat minuto,

Sa bawat minuto sa oras,sa bawat oras sa araw araw

mga araw sa bawat buwan

at mga buwan sa mga taong itinaguyod mo ako

 

Aking Ina labis kitang pinasasalamatan

Sa bawat luha,pawis,pagod na iyong inilaan

Ika’y naging ilaw sa aking dinaraanan

Ika’y aking naging gamot sa mga araw

Na ako’y may dinaramdam

 

Aking Ina Salamat sa Iyo

Ika’y aking mamahalin ng buong buhay  ko

Balang araw ay makakasama mo rin ako

Ito’y aking dasal sa ating Panginoon

tanging mithiin ng puso’t kaluluwa ko

Categories: A MOTHER'S POEM, POEM FOR MOM, TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS | 2 Comments

“Ako’y hindi mabubuhay ng wala sa piling mo” ni Eureka C. Bianzon

Isang gabi ng aking paguwi ika’y hindi ko na nakita

Pumatak  na lamang ng kusa ang luha sa’king mga mata

Akala ko’y hindi mo totohanin ang iyong paglisan

Ngunit huli na pala ikaw ngayon ay hindi ko na masilayan

Patawarin mo ako sa aking mga pagkakamali

Hindi ko nais na ikaw ay saktan at masidhi

Mahal kita,sana’y malaman mo aking pagsisisi

Sana ikaw ay magbalik pa saking muli

Nais kong malaman mo na ikaw lang

Ang aking minahal ng lubusan

Kung ako’y may pagkukulang patawarin mo ko

Ako’y hindi mabubuhay ng wala sa piling mo

Categories: FILIPINO LOVE POEMS, Poems, SORROW, TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS | Leave a comment

“Sa Papel” ni Eureka C. Bianzon

Mas masarap padin talaga ang maging mapag isa

Kausapin ang papel at hayaang ang kamay ay

Magsulat ng kusa

Mas nakakapawi pa ito ng nadaramang pag iisa

Na minsan nais mong hilingin ngunit hindi maibsan

Ng iba

Sa papel maaari mong sabihin lahat

Ng nilalaman ng puso mo

Walang alinlangan,walang tututol

Hangga’t mailabas ito

Sa papel masasabi mo na lahat

Ng nais mo

Nalulungkot ka man

Tiyak mapapawi ito

Sa papel maari mong ipatak bawat luha

Sa bawat pagpatak ay babakas sa bawat

Tinta

Doon mo mararamdaman kung gaano ka

Lumuha

Kasama ang papel na sasalo ng

ng sakit na iyong nadarama

Categories: Poems, TAGALOG INSPIRATIONAL POEMS | Leave a comment

Create a free website or blog at WordPress.com.

Dewsadventures

My name is Dew, I'm not lost, I like to Roam, Tell me to go home

ultimatemindsettoday

A great WordPress.com site

Black and Write

Poetry With A Touch Of Panache

Dimitris Melicertes

I don't write, I touch without touching.

joeseeberblog

This WordPress.com site is the cat’s pajamas

Bri Bruce Productions

Design | Publishing | Photography | Art

ultimatemindsettoday

A great WordPress.com site

AllAboutGemmy

Beautiful smiles for life.

Pixelated Mind

Inside the mind of a working photographer

Beauty Through His Lens

Behind His Camera