TAGALOG LOVE POEMS

“Siya’y malapit ko ng makasama” ni Eureka C. Bianzon

Nalalapit na ang aking pag alis

Patungo sa aking tunay na minamahal

Kagalakan ay nadaramang labis

Pagkainip sa bawat araw na daratal

Sadyang kay bait ng tadhana

sa paghihintay kami na’y muling magkikita

siya’y malapit ko ng makasama

at hindi na iisiping muli ang magkahiwalay pa

-mypenandsoul

Advertisements
Categories: TAGALOG LOVE POEMS | Tags: , | 1 Comment

NANG DAHIL SA’YO ni Eureka C. Bianzon

Nang dahil sa’yo nakalikha ako ng kanta
Kahit sintunado nadarama kong mahal na mahal kita
Nang dahil sa’yo nag iba ang tema ng aking tula
Nabigyang buhay ito sa pagmamahal mong ipinadarama

Nang dahil sa’yo napunan ng ngiti ang malungkot kong mundo
Napalitan ng ngiti ang bawat patak ng luha ko
Nang dahil sa’yo natuto akong maniwala sa sarili ko
Sapagkat alam kong ikaw ay nariyan upang damayan ako

Nang dahil sa’yo alam ko kaya ko ang bawat pagsubok
Magkalayo man naniniwala ako na ika’y naghihintay na makasama ako
Nang dahil sa’yo natutunan kong magpahalaga sa bawat minuto
Sapagkat sa bawat oras na ika’y nais makapiling
Hindi ko magawa dahil sa magkalayo nating mundo

Nang dahil sa’yo natutunan kong magtiwala
Sapagkat bawat oras ipinadama mo sa akin na ako’y mahalaga
Nang dahil sa’yo napunan ako ng walang humpay na pagmamahal
Sapagkat ikaw ang biyaya sa aking buhay ng ating Maykapal
-mypenandsoul

Categories: FILIPINO LOVE POEMS, Poems, TAGALOG LOVE POEMS | Tags: , , | 3 Comments

“O kaysakit magpaalam”ni Eureka C.Bianzon

O kaysakit mag paalam sa taong minahal mo ng tunay
Mundo mo’y mag iiba,mundo mo’y luluha
Sapagka’t sya lang ang tanging nakapagpapasaya sa iyong buhay
Ni kailanman ay hindi kayang maibigay ng iba

O kaysakit mag paalam sa pagmamahal na akala mo wala ng pag asa
Nguni’t sa kalaunan masasabi mo na meron pala
Puso mo’y iyong pinigilan upang ipaglaban sya
At sa huli nagsisisi dahil may nagmamahal na sa kanyang iba

O kaysakit matanaw na siya’y may kapiling na
Hindi na mahahagkan at mayayakap pa
Ala ala na lamang ang tanging makapagpapasaya
Ng pusong nagsisisi sa pagbabalewala sa kanya

Categories: Poems, SORROW, TAGALOG LOVE POEMS | 3 Comments

“Darating ang panahon ako ay istorya nalang”ni Eureka C.Bianzon

Darating ang panahon sa larawan nalang ako makikita
At sa mga tula nalang madarama
Gayunman nawa’y mahawakan ko padin ang inyong pusong nagdurusa
At mabigyang ngiti kahit man lang pansamantala

Darating ang panahon ako ay sa tanging pangalan nalang
Mababanggit at hindi na matatanaw man lang
Subalit dumating man ang panahong iyon
Nawa’y maiwan ko
ang inspirasyong dulot ng aking kahapon

Darating ang panahon ako ay istorya nalang
Aking mga akda ay ala ala na lamang
Nawa’y makasama ko padin kayo kahit ako’y wala na
Sapagkat sa puso ko hanggang langit kayo ay aking kasama

Categories: Poems, TAGALOG LOVE POEMS, WRITER'S POEM | Leave a comment

“Ibinigay mo sakin ang aral ng pagpapahalaga” ni Eureka C. Bianzon

Mga ala ala ng ating kahapon ay ginunita
Mga panahong wala akong hinangad kundi ang
Mapasaya kita
Sa mga binanggit mo sa akin na sana ay ako nalang
Puso ko’y nadudurog sapagkat ni minsan hindi kita
Sinisi sa iyong mga pagkukulang
 
Mga kalungkutan na ibinigay mo sa’kin noon
Lahat ay napalitan ng saya
Sa lahat ng iyong pagbabalewala
Lahat ay napalitan ng pagpapahalaga
 
Ngunit salamat sa bawat mumunting ala ala
Puso ko man noon ay naging bigo
Iyon ay naging daan upang ang buhay
Ko ay tuluyan ng magbago
 
Ibinigay mo sakin ang aral ng pagpapahalaga
Para sa taong labis na naghahangad na ako’y mapasaya
Sapagka’t aking naramdaman noon kung paano
Ang mabalewala
Ngayon lahat ng iyon ay aking papalitan
ng pagmamahal at walang humpay na ligaya 

Categories: TAGALOG LOVE POEMS | Tags: , , | Leave a comment

“Isa kang pangarap na natupad sa bawat umaga” ni Eureka C.Bianzon

Kaysaya ng bawat araw sa tuwing ikaw ang kausap
Magkalayo man tayo ikaw parin ang tanging hinahanap
Bawat araw sa akin ay natupad na pangarap
Sa tuwing tayo’y nagkikita at magkaharap

Malayo ka man sakin hindi ito
Hadlang
Upang  pag ibig ko para sayo ay mabigyang patlang
Labis na kasiyahan sa aki’y iyong isina alang alang
Sa puso ko sayo’y walang makakahahadlang

Ikaw ay ang aking ngiti sa bawat umaga
Sa tuwing ako’y gigising na nariyan ka
Tinig mo’y nakakahalina kaysarap sa tenga
Isa kang pangarap na natupad sa bawat umaga

Categories: FILIPINO LOVE POEMS, LOVE POEMS, Poems, TAGALOG LOVE POEMS | Leave a comment

“Pag aaralan ko” ni Eureka C.Bianzon

Pag aaralan kong isiping ika’y wala na
Pag aaralan kong tanggapin na ika’y wala sa piling ko
Pagaaralan kong kalimutan lahat
Kahit ito’y napakasakit sa puso ko

Pag aaralan kong isiping ako’y kinalimutan mo na
Pag aaralan kong tanggapin na
Hindi mo ko mahal
Pag aaralan kong kayanin ang sakit
Na nadarama
Kahit ang puso ko’y lugmok na sa pagdurusa

Pag aaralan kong kalimutan ka
Pag aaralan kong tanggapin na hindi ko na maririnig ang iyong tinig
Pag aaralan kong tanggapin lahat
Kahit na kapalit nito’y pagkawasak nitong diddib

Categories: FILIPINO LOVE POEMS, Poems, TAGALOG LOVE POEMS | Tags: , | Leave a comment

“Pinutol na ugnayan” ni Eureka C.Bianzon

Aking natatanto habang tumatagal
Damdamin ko’y pawang nagbabago
Hindi maipaliwanag  tila nauutal
Pag ibig na naradama tila naglalaho

Sa bawat paglipas ng araw
Pawang takip silim kung daratal
Sumisilip na dilim nawawalang silaw
Sinasambit ng puso nauupos na pagmamahal

Labis na hapyos ng kasiyahan
Nang aking puso’y nakaramdam ng katahimikan
Nang makalaya ang damdamin sa karimlan
Dulot nitong pinutol na ugnayan

Categories: FILIPINO LOVE POEMS, Poems, TAGALOG LOVE POEMS | Leave a comment

“Sana sa habang buhay ay ikaw ay palaging mahagkan” ni Eureka C. Bianzon

Madami na tayong pinagdaanan,

 Sa mga  pagsubok  na nagdaan

Lumalalim ating pagmamahalan

Habang tumatagal ng ‘di namamalayan

Nagawa na nating maghiwalay

Tiniis ang bawat puso sa pagkalumbay

Ngunit sa bawat isa’y hindi kayang mawalay

Nanaig padin ang pagamamahalang tunay

Wagas na pagmamahalan ating nararamdaman

Dumating mga unos na nagdulot ng sakit ng puso’t isipan

Ngunit hindi padin makayang pagmamahalan ay kalimutan

Bagkus lumalim ang pagtingin sa bawat isa  ng lubusan

Darating man ang mga hindi namamalayang sandali

Nawa’y tayo ay maging matatag at sa bawat isa’y manatili

Labis kong ikalulungkot ang sa iyo’y mawalay

Sapagkat ikaw lang ang minahal ko ng wagas at tunay

Ayaw ko isipin na darating ang araw na tayo ay ala ala nalang

Sa bawat isa at mananatili nalang sa puso’t isipan

Hanggat maaari nais kong sa habang buhay ikaw ay masilayan

Makausap mayakap

at sana sa habang buhay  ay ikaw ay  palaging mahagkan

Categories: FILIPINO LOVE POEMS, LOVE POEMS, TAGALOG LOVE POEMS | Leave a comment

“Magbabalik pa kaya ang bawat minsan” ni Eureka C.Bianzon

Ngayong gabi nakahimlay ng payapa sa aking higaan
Sumasagi ating masasayang
sandali sa’king isipan
Lalo na nung ikaw ay aking
unang nasilayan
Mga mata mo ay hindi ko maiwasang titigan

Ako’y nanghihinayang sa bawat
Sandali
Kasiyahan at sigla ay idinulot mo
Sakin
Aking lumuluhang mga mata
Napapalitan ng ngiti
Ika’y anghel  sa bawat araw kong
Naninimdim

Bilis ng kaba sa’king dibdib
aking naramdaman
Nung unang beses mo akong
Sulyapan at titigan
Kaysarap alalahanin ng  bawat minsan
Ngunit kaylungkot ito’y pawang
Ala ala na lamang…

Magbabalik pa kaya ang dati
nating turingan
Walang hiyaan walang pag aalangan
Magbabalik pa kaya ang bawat minsan
At ika’y mananatili na sa’king mundo at hindi na lilisan

●●●a requested poem@●●●

Categories: FILIPINO LOVE POEMS, LOVE POEMS, Poems, TAGALOG LOVE POEMS | 2 Comments

Blog at WordPress.com.

Dewsadventures

My name is Dew, I'm not lost, I like to Roam, Tell me to go home

ultimatemindsettoday

A great WordPress.com site

Black and Write

Poetry With A Touch Of Panache

Dimitris Melicertes

I don't write, I touch without touching.

joeseeberblog

This WordPress.com site is the cat’s pajamas

Bri Bruce Productions

Design | Publishing | Photography | Art

ultimatemindsettoday

A great WordPress.com site

AllAboutGemmy

Beautiful smiles for life.

Pixelated Mind

Inside the mind of a working photographer

Beauty Through His Lens

Behind His Camera